Muling nagbabala ang Cagayan Police Provincial Office sa publiko kaugnay sa posibleng pagkakakulong sa sinumang maaaresto dahil sa paglabag sa mga alituntunin ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ito’y kaugnay sa mataas na bilang ng mga nahuhuli sa lalawigan ng Cagayan dahil sa paglabag sa ECQ na mahigpit na ipinatutupad ngayon para mapigilan ang paglaganap ng coronavirus disease.
Batay sa datos ng CPPO, umaabot na sa 1,349 ang bilang ng mga nakasuhan sa paglabag sa quarantine measures at curfew hours kung saan 282 ang nakasuhan dahil sa paglabag sa umiiral na liquor ban.
Ayon kay PLt. Marjorie Gallardo, tuloy-tuloy ang proseso sa paghahain ng kaso sa korte sa pamamagitan ng regular filing kahit may umiiral na ECQ.
Aniya, mas mabuti nang sumunod sa mga alituntunin ng gubyerno kaysa makulong sa pagtatapos ng ECQ.