photo credit: Cagayan PNP

TUGUEGARAO CITY-Labis ang pasasalamat ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) sa patuloy na suporta ng mga Local Government Units (LGUs) sa kampanya laban sa covid-19.

Ayon kay Pcol. Ariel Quilang, Director ng Cagayan-PNP, patuloy na nakakatanggap ang kanilang tanggapan ng rapid test kits, Personal Protective Equipment (PPE)at pagkain na mula sa mga LGUs.

Aniya, malaking bagay ito para sa mga frontliners habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Kaugnay nito, tiniyak ni Quilang na gagamitin ng maayos ang kanilang natatanggap na tulong kung saan kanila ring binibigyan ng gamit ang mga Municipal Stations maging ang Tuguegarao-PNP.

Bukod dito, nagpasalamat din si Col. Quilang sa mga LGUs sa binibigay na suporta sa kampanya laban sa illegal na droga, sugal, kriminalidad at marami pang iba.

-- ADVERTISEMENT --