Tiniyak ni PCol Ariel Quilang, director ng Cagayan Police Provincial Office na magpapatuloy ang implementasyon ng mga proyekto at programa ng kapulisan na direktang pakikinabangan ng nasa barangay o grassroots level sa lalawigan.

Kasabay ito ng pagkakasungkit ng Cagayan PNP ng ‘Balangay Awards’ na ibinibigay sa kapulisan na patuloy na sumusuporta sa ipinatutupad na programa ng PNP.

Ibinabase naman ng PNP ang pagbibigay ng awards sa pagsunod ng bawat police units sa itinakdang criteria nito.

Bukod sa tropy, tinanggap din ni Quilang ang halagang P400,000 na gagamitin ng pulisya sa implementasyon ng ga proyekto at programa lalo na sa mga liblib na lugar sa lalawigan.

Inihalimbawa ni Quilang ang programang ‘aklat-akyatan’ na hindi lamang nagtatapos sa pagbibigay ng libreng libro, kundi imomonitor din ng kapulisan ang pagbabago nagawa nito sa mga mag-aaral.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinagmalaki rin ni Quilang ang magandang ugnayan ng PNP at epektibong police-community partnership upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan at mga bayan.

Ipinaabot naman ni Quilang ang pasasalamat kasama ang hanay ng mga kapulisan sa lalawigan dahil sa suporta sa PNP at sa lahat ng aspeto ng kanilang paglilingkuran.

Pinasalamatan din ni Quilang si PCol Ignacio Cumigad, ang dating pinuno ng CPPO sa insiyatiba nito para makuha ang naturang pagkilala.