Tuguegarao City- Tiniyak ng Cagayan Provincial Health Office (CPHO) na nakaalerto ang mga ito sa pagbabantay sa mga paliparan dito sa Cagayan kaugnay sa banta ng kumakalat na novel coronavirus.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Carlos Cortina, Provincial Health Officer, mahigpit umano ang monitoring ng naturang tanggapan sa Lallo International Airport at pantalan sa Sta. Ana kaugnay sa pagsusuri sa mga dumarating na turista sa lalawigan.

Ayon kay Cortina ay mayroon din umanong mga nakatalagang translator upang personal na makausap at ma-interview ang mga dayuhan sa ginagawang background information checking.

Ito ay bilang ng bahagi ng PHO sa kahandaan kaugnay sa lumalaganap na pagkalat ng Novel Corona Virus.

Samantala, kinumpirma naman ng naturang tanggapan na wala pang naiuulat na kaso ng naturang sakit sa Cagayan habang patuloy namang ipinaaalala ang kalinisan upang makaiwas sa sakit.

-- ADVERTISEMENT --