Opisyal nang idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Cagayan Provincial Jail sa Barangay Carig na malinis mula sa ilegal na droga.

Ito ay kauna-unahan na may naideklarang drug-free jail facility sa mga provincial jail sa rehiyon dos.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Catalino Arugay, provincial jail warden na hindi naging madali sa pamunuan ng provincial jail na makuha ang drug free workplace subalit ang paghihigpit ang naging daan para makamit ang pagkilala kaya magpapatuloy ang mga programa at polisiya sa piitan.

Una rito, sumailalim sa evaluation at validation process ang pa kung saan nasunod ng pasilidad ang mga itinakdang parameters.

Kabilang sa mga parameters ang walang drug personalities na nasa drug watch list; negatibong resulta ng drug test sa mga personnel at inmate; walang ilegal na droga o kagamitan na makikita sa magkakasunod na surpresang inspeksiyon kasama ang PDEA; at ang ipinatutupad na advocacy campaign at symposium on Drug Free Workplace sa piitan.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, kabilang sa mga livelihood program na pinagkakaabalahan ng mga person deprived of liberty ay ang mga handicrafts at pag-aaral sa ilalim ng Alternative Learning System, religious activities, sports and recreation.