TUGUEGARAO CITY- Naka- hard lockdown ngayon ang Cagayan Provincial Jail dahil sa pagpositibo sa covid-19 ng ilang persons deprived of liberty o PDL.

Ayon kay Catalino Arugay, jail warden, 21 days ang hard lockdown.

Sinabi ni Arugay, na naka-quarantine na sa loob ng CPJ ang mga nasa custodial duty habang ang ibang kawani ay work from home.

Ayon kay Arugay, ang mga pagkain naman para sa mga PDL ay iaabot na sa gate ng pasilidad upang matiyak na walang physical contact.

Kaugnay nito, sinabi ni Arugay na inaalam pa kung saan nakuha ng mga nagpositibo na PDL ang virus.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na 17 na PDL ang nagpositibo sa covid-19 nitong nakalipas na linggo.

Gayonman,sinabi niya na ang gumaling na ang iba habang ang iba ay nagpapagaling pa.

Idinagdag pa ni Arugay na hinihintay pa nila ang resulta ng swab test ng 20 pang PDL na nakasama sa isinagawang contact tracing.

Dahil dito, nanawagan si Arugay sa mga kaanak ng mga PDL na huwag munang magpadala ng pagkain at iba pang mga bagay at hintayin na lang na matapos ang kanilang ipinapatupad na quarantine sa kulungan.

Nabatid mula kay Arugay na 127 na mga lalaki at 12 na mga babaeng PDL ang nakakulong ngayong sa CPJ.