Pinaiigting ng Cagayan Provincial Veterinary Office(PVET) ang meat inspection sa probinsya lalo na sa papalapit na holiday season.

Kaugnay nito ay nagsasagawa ng training ang PVET sa mga meat inspectors ng ibat ibang bayan upang matiyak ang sapat na kaalaman sa tamang pagsusiri sa mga produktong karne.

Ayon kay Dr. Mica Ponce, Veterinairan II ng PVET Cagayan, mahalagang matiyak ang kalinisan at kaligtasan ng mga karneng kinakatay upang makaiwas sa pagkalat ng ibat ibang sakit tulad ng ASF, Anthrax at iba pang maaaring makapagdulot ng panganib sa kalusugan ng tao.

Kasama aniya sa mga itinuturo sa training ay ang tamang enforcement sa pagsusuri sa mga karne, kalinisan sa slaughter house, pagkakaroon ng kaukulang dokumento at iba pa na nakabatay sa pamantayang itinakda ng meat inspection code of the philippines.

Pinaalalahanan din ni Ponce ang publiko na iwasan ang pagkakatay ng mga baboy sa bakuran dahil maaaring magdulot ito ng kontaminasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Maging ang mga alagang may sakit ay hindi na rin dapat kinakatay upang maiwasan ang sakit na posibleng maidulot nito lalo na sa kalusugan ng tao.

Inatasan na rin ng ahensya ang mga LGUs na paigtingin ang kanilang pagbabantay upang matiyak na ang mga ibinebentang karne sa mga pamilihan ay ligtas kainin.

Inihayag niya na mayroon ding mga na-issuehan ng notice of violation sa kanilang ginawang pag-iikot dahil himdi nasusunod ang mga pamantayan sa pagtitinda sa ilang pamilihan.