Tuguegarao City- Patuloy ang paghikayat ng Provincial Social Welfare and Development (PSWD) sa mga rebelde na magbalik loob na sa pamahalaan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Elvie Layus, PSWD Coordinator, maaaring sumailalim ang mga ito sa Enhance Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng provincial government.

Ito ay bilang alternatibo ng gobyerno na tulungan ang mga nagbabalik loob na rebelde upang makapagsimula sa pagbabagong buhay.

Sa ngayon ay may 44 na rebel returnees ang nakatanggap na P50k livelihood assistance, P16k immediate assistance at P2k na eduactional assistance para sa mga anak.

Dagdag pa rito, 17 na mga rebel returnees ang nagtatrabaho na bilang Job Order sa kapitolyo habang nakatanggap naman ng P15k na tulong ang 28 na mga sumukong milisya ng bayan.

-- ADVERTISEMENT --

Nagpapasalamat naman ang PSWDO dahil sa tagumpay ng mga inilunsad na proyektong pangkabuhayan na ipinagkaloob ng gobyerno sa mga ito.