TUGUEGARAO CITY-Siniguro ni Cagayan re-elected Vice Governor Melvin Vargas Jr. na kanyang ipagpapatuloy ang kanyang nasimulang programa para sa ikabubuti ng mga Cagayanos.
Ayon kay Vargas, ipagpapatuloy umano niya ang pagbisita sa mga bayan para mag-abot ng tulong at para makita narin ang kondisyon ng bawat munisipalidad.
Bukod dito, pag-aaralan umano ni Vargas kung paano palakihin ang tulong na naipapaabot sa mga mag-aaral.
Maging ang calamity funds ay kanya umanong pag-aaralan para lahat ng mga naapektuhan ng anumang kalamidad ay mabibigyan ng tulong.
Sakatunayan aniya ay magkakaroon ng session sa araw ng biyernes para pag-usapan naman ang annual budget kung saan umaasa si Vargas na lalahok ang mga ipinatawag nilang mga Department Heads.
-- ADVERTISEMENT --