

TUGUEGARAO CITY- Handang- handa na ang Cagayan State University sa Tuguegarao City para sa limited face-to-face classes.
Sinabi ni Urdujah Alvarado, presidente ng universidad na naantala lamang ang pagpapatupad sana ng face-to-face classes nitong unang linggo ng Pebrero subalit dahil sa may mga kailangan pang isaayos na mga requirement.
Ayon kay Alvarado, ang tanging kinukompleto na lamang sa ngayon ay ang PHILHEALTH card ng mga kalahok sa face-to- face classes at maging ang consent o pagpayag ng mga magulang para sa kanilang mga anak.
Kasabay nito, nilinaw ni Alvarado na ang bubuksan pa lamang sa face-to- classes ay ang kurso na may kailangan na gumamit ng laboratories tulad ng College of Medicine at Allied Health Sciences at ang prayoridad muna ay ang mga 3rd at 4th year students.
Kaugnay nito, tiniyak ni Alvarado na susundin nila ang lahat ng mga health protocols base sa guidelines mula sa LGU, IATF at DOH upang matiyak na mapapangalagaan kalusugan ng mga kalahok sa face-to-face classes.
Sinabi niya na 15 estudyante kada isang grupo ang salitan sa nasabing face-to-face classes.










