Matagumpay na inilunsad ng Cagayan Valley Center for Health Development sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Sanchez Mira ang Paskuhan sa Barangay: Merry Making Alternative sa Paputok.

Layon ng programa na mapataas ang kamalayan ng publiko sa mga masamang idudulot ng paggamit ng paputok at ang alternatibo para rito.

Bahagi din ito ng Ligtas Christmas sa Bagong Pilipinas campaign na naglalayong itaguyod ang tamang pagkain, regular na ehersisyo, disiplina, kaligtasan sa kalsada, at pagiwas sa paggamit ng paputok.

Isa sa mga tampok na aktibidad ay ang Paskuhan sa Barangay – The Search for the Pinakabonggang Christmas Caroling Contest kung saan hinikayat ang mga barangay na gumamit ng mga recycled materials bilang alternatibo sa tradisyunal na mga instrumentong pangmusika.

Bukod sa pagpapakita ng malikhaing paggamit ng lokal na materyales, layunin din ng aktibidad na ito na ipalaganap ang kamalayan hinggil sa panganib ng paputok at kung paano maiiwasan ang mga kaugnay na aksidente.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa Cagayan Valley Center for Health Development.Ang mga inisyatibong ito ay nagpapakita na sa Bagong Pilipinas, bawat buhay ay mahalaga,

Sa pagtatapos ng programa, nagpahayag ng pasasalamat ang m ga organizer sa mainit na suporta ng komunidad at nagpaabot ng panawagan para sa isang malusog, masaya, at ligtas na pagdiriwang ng Pasko.