TUGUEGARAO CITY- Muling itinaas sa Alert Level 4 o High Epidemic Risk Classification ang Cagayan Valley region, batay sa pinakahuling datos ng Department of Health Region 2.

Kabilang sa mga nasa ilalim ng Alert level 4 ang Cagayan, Isabela at Quirino, kasama ang Tuguegarao

City, City of Ilagan, Cauayan City at Santiago City.

Itoy dahil sa tumataas na bilang ng aktibong kaso sa mga naturang lugar sa nakalipas na dalawang linggo

-- ADVERTISEMENT --

at mataas ang healthcare utilization rate.

Ang Cauayan City naman ay nasa kategorya ng Critical Epidemic Risk Classification dahil umabot na sa

231.03 porsiyento ang pagtaas ng aktibong kaso sa nakalipas na dalawang linggo.

Samantala, ang lalawigan naman ng Nueva Vizcaya ay nasa Alert Level 3 o Moderate Epidemic Risk

Classification.

Nananatili namang nasa Alert Level 1 o Minimal Risk Epidemic Classification ang lalawigan ng Batanes.

Sa ngayon ay umakyat na sa 64,124 ang kumirmadong kaso ng COVID-19 sa buong lambak ng Cagayan, 4,412

ang aktibo pang kaso at 1,716 ang namatay.

Patuloy na hinihikayat ang lahat na magpabakuna upang magkaroon ng dagdag na proteksyon laban sa

COVID-19 at panatilihin ang pagsunod sa minimum health protocol