TUGUEGARAO CITY-Isinisi ng Office of the Provincial Agriculture sa Cagayan ang pananasala ng bagyong “Ompong” sa hindi naabot na 1 million metric tons ng palay noong 2018 kaya bigong makapasok sa top 5 sa Rice Achievers Award.
Sinabi ni Danny Benitez,special assistant for agriculture ng OPA na 832,000 metric tons lang ang naaning palay nitong nakalipas na taon kaya bumagsak sa pang-walong pwesto ang lalawigan.
Gayonman, sinabi ni Benitiez na nabigyan pa rin ang lalawigan ng special citation at nakatanggap ng P500,000.
Bukod dito, sinabi niya mas mataas pa rin ang naabot ng lalawigan na 4.24 MT kumpara sa national average na 3.9 MT
Kaugnay nito, umaasa si Benitez na muling mapapabilang ang lalawigan sa top 5 sa susunod na taon sa kabila ng nararanasang el niño phenomenon.
Sinabi niya na ito ay dahil sa minimal lang ang epekto ng el niño sa mga pananim ng mga magsasaka sa lalawigan.
Samantala,kasama sa top 5 ang Nueva Vizcaya habang special citation din ang Isabela sa Region 2 sa nasabing award.