TUGUEGARAO CITY – Dumarami umano ang mga scientist na nagpakita ng interes para pag-aralan ang mga nahukay na buto at ngipin ng mga tao na kung tawagin ay Homo luzonensis na pinaniniwalaang nabuhay 67,000 taon ang nakalipas sa callo cave sa bayan ng Peñablanca, Cagayan.
Ayon kay Atty. Ma. Rosario Mamba Villaflor, head ng Provincial Tourism Office na layon ng isasagawang pag-aaral ay upang mailagay na sa kasaysayan na mula dito sa lalawigan nabuhay ang sinaunang tao sa bansa.
Kasabay nito, maglalagay ang tanggapan sa provincial musuem para sa kabuuang detalye ng kasaysayan ng lalawigan.
Sinibi ni Villaflor na sinisikap ng kanilang tanggapan katuwang ang department of environment and natural resources (DENR) na muling buhayin ang noo’y sinasabing dead cave para mas lalo pang makahikayat ng mga turista.
Kasabay nito, sinabi ni Villaflor na magiging strikto ang pagpapatupad ng rules and regulation sa nasabing kweba para mapanatili ang kalinisan sa lugar.
Samantala, umaasa si Villaflor na maipasa na ang 2019 provincial budget para magawa ang mga nakapilang proyekto para sa ikagaganda sa nasabing lugar.