TUGUEGARAO CITY- Dinadagsa umano ngayon ng mga turista ang Callao cave sa Peñablanca,Cagayan.
Ayon Teodolfo Babaran,Callao cave supervisor ,umaabot na halos 1,000 turista na binubuo ng 800 na local at 88 foreign tourists ngayong buwan lamang ng Abril .
Sinabi niya na tiyak na mas marami ang dadagsa ngayong Semana Santa at sa susunod pang mga araw matapos na maging laman ng balita ang Callao cave kaugnay sa pagkakahukay sa mga buto at ngipin ng mga sinaunang uri ng mga tao na nabuhay ng 67,000 ang nakalipas na tinawag na Homo luzonensis .
Dahil dito, mahigpit ang kanilang ginagawang pagbabantay upang matiyak ang kaligtasan ng mga turista at walang magkakalat sa loob ng kweba at maging ang vandalism.
Ayon sa kanya,tanging inuming tubig lang ang pwedeng ipasok sa kweba at mahigpit ang ipinagbabawal ang mga pagkain.