TUGUEGARAO CITY-Idineklarang cultural property ng national museum ang callo cave sa bayan ng Peñablanca, Cagayan kasunod ng mga nahukay na sinaunang buto at ngipin ng tao na tinawag na Homo Luzonensis.

Ayon kay Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor, chief of staff ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan na siya ring OIC ng provincial tourism office, layon ng deklarasyon na maprotektahan ang lugar sa kahit anumang kaguluhan.

Aniya, napakahalaga ang ginagampanang papel ng Homo Luzonensis hindi lamang sa kasaysayan ng Pilipinas kundi maging sa ancestry ng tao.

Ang homo Luzonensis ang nagpapakita na hindi pa nadidiskubre o hindi pa nakukumpleto ang history ng tao o ang human evolution.

Matatandaan, pinangunahan ni Armand Mijares ng University of the Philippines ang paghuhukay sa mga buto at ngipin ng tao na pinaniniwalaang nabuhay ng 67,000 taon ang nakalipas.

-- ADVERTISEMENT --

Sinimulan ni Mijares kasama ang kanyang grupo ang paghuhukay noong 2011 ngunit nito lamang 2015 nang mahukay ang mga nasabing buto at ngipin kung saan ipinadala at pinag-aralan naman ng mga experto sa buto.

Tinig ni Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor,

Samantala, sinabi ni Villaflor na ang nasabing deklarasyon ay nagpapatunay at sumusuporta na dapat itaguyud ng provincial government ang conservation effort sa callao cave.

Kaugnay nito, sinabi ni Villaflor na muling maghuhukay ang team ni Mijares sa lugar maging ang national musuem team para sa pag -asang makakahukay pa sila ng mga buto na kukumpleto sa mga naunang nahukay.

Sisimulan ang muling paghuhukay ng mga nasabing grupo sa lugar sa susunod na linggo na magtatagal ng anim na linggo.

Tinig ni Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor,