TUGUEGARAO CITY- May nakalatag nang plano ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan para sa pagpapaganda at development ng Callao eco niche tourism and conservation park sa Callao, Peñablanca.

Sinabi ni Atty. Maria Rosario Villaflor, OIC Tourism Officer ng Cagayan na layunin ng development ng Callao ay hindi lang para mabigyan ng trabaho ang mga mamamayan sa lugar sa halip ay maprotektahan ang nasabing tourist destination sa lalawigan.

Ito ay dahil sa may mga mamamayan na rin na nagsasagawa ng kaingin at pagtatanim ng mais na nakakasira umano sa nasabing lugar.

Ayon sa kanya, dapat na maging sustainable tourism ang Callao para sa susunod na mga henerasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na nais nilang gawing eco-tourism and conservation ang Callao kung saan ang mga ilalagay na mga pasilidad at culturally at environmentally sensitive.

ang tinig ni Villaflor

Sinabi pa ni Villaflor na ang mga balak nilang ilagay sa Callao eco-tourism and conservation park ay hanging bridge, floating cottages, swimming pool, at view deck sa loob ng Callao Cave.

Magkakaroon din aniya ng horse back riding, birds nest, bird walk at twirl biking para sa mga bata, watch tower at ilalagay ang malalaking relics ng Homoluzenensis, ang mga buto at ngipin ng isang uri ng sinaunang tao na na nahukay sa Callao caves.

Sinabi ni Villaflor na ang panukala nilang pondo para sa nasabing proyekto ay P201M .