Umabot sa tatlong araw ang nagpapatuloy na bakbakan sa border ng Thailand at ng Cambodia.

Tinatayang aabot sa humigit-kumulang 130,000 ang bilang ng mga na-displace sa tuminding tensyon sa pagitan ng dalawng bansa.

Sa huling datos, naitala ang halos 20 reported deaths sa panig ng Thailand; habang mayroon ding halos 15 na napaulat na nasawi sa panig ng Cambodia, kabilang ang sundalo at sibilyan.

Samantala, kinumpirma ng Cambodian officials na humihiling na sila ng isang agarang tigil-putukan.

Umaasa rin sila na magkakaroon na ng isang mapayapang solusyon sa girian, at idaan sa diplomasya ang agawan sa border.

-- ADVERTISEMENT --