
Ipinagdiwang ni Camila Osorio ang kanyang unang titulo sa Philippine Women’s Open matapos talunin si Donna Vekic sa singles finals nitong Sabado, Enero 31, sa Rizal Memorial Tennis Center.
Bagama’t may tatlong titulo na sa WTA Tour, espesyal para sa 24-anyos na Colombian ang makagawa ng kasaysayan sa Manila.
Dagdag pa niya, nahirapan siya ngayong taon, kaya mahalaga daw sa kanya ang pagka-panalo.
Bukod dito naramdaman rin umano ni Osorio ang pagmamahal ng mga Filipino fans, kahit na natalo niya ang local favorite na si Alex Eala sa quarterfinals.
Napansin din niya ang pagkakatulad ng Pilipinas sa kanyang sariling bansa, ang Colombia, na lalo pang nagpasaya sa kanya dahil sa energy ng mga Pinoy fans.
-- ADVERTISEMENT --










