Patay ang humigit-kumulang 39 katao at nasa 50 ang sugatan matapos ang isang stampede nitong Sabado sa isang campaign rally sa India.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng pangangampanya si Tamil actor Vijay, na kasalukuyang chief minister ng Tamil Nadu, kung saan dinagsa ng libo-libong tao ang pagtitipon.

Sa gitna ng programa, makikitang naghahagis si Vijay ng mga bote ng tubig sa mga nahihimatay na tagasuporta at humihingi ng tulong sa mga awtoridad, ngunit nauwi ito sa malagim na stampede.

Nagpahayag naman ng pakikiramay ang chief minister sa mga pamilya ng mga nasawi at nanalangin para sa agarang paggaling ng mga sugatan.

Napag-alaman ding hindi ito ang unang pagkakataon na naganap ang ganitong insidente sa kaparehong aktibidad.

-- ADVERTISEMENT --