Nangunguna ngayon ang Cordillera Administrative Region (CAR) sa partial and unofficial medal tally sa kasalukuyang 2025 PRISAA na ginaganap dito sa lungsod ng Tuguegarao.
Sa senior division, mayroon nang 6 gold medals, 3 silver, at 2 bronze, na kabuuang 11 medalya ang CAR.
Sumunod ang Region XII na may 3 golds, 4 silvers, at 3 bronze o 10 medalya; pangatlo ang Region VI na may one gold, 6 silvers, at 2 bronze, o kabuuang siyam na medalya; pang-apat ang Region VII na may anim na medalya, tig-limang medalya naman ang Region V at Negros Island Region; tig-tatlong medalya ang Region I at Region III; dalawang medalya ang Region 10; at tig-isang medalya ang Region IV-B, at BARMM.
Wala pang nakuhang medalya ang Region II.
Sa medal tally naman sa junior division, nangunguna ang Region 5, na may apat na ginto, isang pilak, at limang tanso, o kabuuang 10 medalya.
Tig-anim na medalya naman ang nakuha ng CAR na may apat na ginto, isang pilak at isang tanso habang ang Region VI ay may tatlon ginto, isang pilak, at dalawang tanso.
Mayroon na ring tatlong medalya ang Region I at Region III, dalawang medalya ang Region 2; isang ginto at isang pilak; NIR, Region IV-B, Region VII, at Region X; at isa naman sa Region IV-A.