Inihayag ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na nagpapakiramdaman pa ang mga cardinal electors na dahilan kaya nabigo silang magdesisyon kung sino ang magiging bagong Santo Papa sa unang gabi ng conclave.

Sinabi ni CBCP director for broadcast Fr. Francis Lucas na walang napili na Santo Papa sa unang yugto ng conclave buhat noong panahon ni Pope Pius XII, na pinamunuan ang Catholic Church noong 1939.

Ayon kay Lucas ang pangunahing dahilan bagamat nag-uusap-usap sila, kung saan may 12 congretations, at sa pagtitipon, nakilala nila ang isa’t isa, at dahil sa mga pangyayari sa daigdig at simbahan, nagpapakiramdaman pa ang mga ito sa unang pagboto.

Sinabi niya na pagkatapos ng unang round ng conclave, magkakaroon ng sapat na panahon na mag-isip at talakayin ang kanilang boto sa ibang aktibidad bago ang susunod na yugto.

Idinagdag pa ni Lucas na sa kanyang pagtaya, malabo na may mapipili na bagong Santo Papa sa second round subalit posible na sa ikatlong round.

-- ADVERTISEMENT --

Kaninang 3 a.m., oras sa Pilipinas, nagsimulang lumabas ang itim na usok sa chimney ng Sistine Chapel.

Ang pagpili ng bagong Santo Papa ay kailangan ang two-thirds majority.

Sa 133 sa Sistine Chapel, 89 cardinals ang kailangang magsulat ng isang pangalan sa secret ballot papers.