Itinalaga ni Pope Leo XIV si Luis Antonio Cardinal Tagle bilang obispo ng Diocese of Albano sa Roma.

Ang naturang posisyon ang hawak dati ni Robert Cardinal Prevost bago siya mapiling Santo Papa matapos pumanaw si Pope Francis.

Batay sa Holy See Press Office, si Tagle ang Cardinal Bishop ng Suburbicarian Church of Albano na isa sa pinakamataas na posisyon sa Vatican.

Noong nakaraang linggo, si Tagle ang nagbigay ng Ring of the Fisherman kay Papa Leon sa inagurasyon nito bilang ika-267 na lider ng simbahang Katolika.