Itinanghal muli ang Filipino billiards champion na si Carlo Biado matapos masungkit ang kanyang ikalawang titulo sa World Pool Championship na ginanap sa Jeddah, Saudi Arabia.

Tinalo ni Biado si defending champion Fedor Gorst sa isang dikit na laban na nagtapos sa iskor na 15-13, dahilan para maiuwi niya ang $250,000 na premyo.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may Pilipinong dalawang ulit na nanalo ng korona sa prestihiyosong torneo.

Unang naiuwi ni Biado ang World Nineball title noong 2017 sa Doha, Qatar, na huling beses din na may Pinoy na nananlo sa naturang paligsahan.

Dahil dito, isinasama na siya sa hanay ng mga alamat ng Philippine billiards tulad nina Efren “Bata” Reyes, Ronnie Alcano, at Francisco “Django” Bustamante na kapwa nagtagumpay sa parehong torneo noong 1999, 2006, at 2010.

-- ADVERTISEMENT --