
Sabay na nagwagi ng medalya ang magkapatid na Carlos Yulo at Eldrew Yulo sa 13th Men’s Artistic Gymnastics Senior Asian Championships na ginanap sa Zunyi, China.
Nasungkit ni double-Olympic champion Carlos Yulo ang gintong medalya sa floor exercise final matapos magtala ng 14,700 puntos, na nagbigay sa kanya ng top finish sa nasabing event.
Pumangalawa naman si Shoma Tsukiyama ng Japan na nakakuha ng silver medal.
Samantala, nakamit ni Eldrew Yulo ang bronze medal matapos makapagtala ng 14,300 puntos, sa kauna-unahang pagkakataon na nagkasama ang magkapatid sa isang senior-level podium finish sa kasaysayan ng Philippine gymnastics.
Ayon sa ulat, ito rin ang unang beses na nagharap ang dalawa sa senior Asian Championship level.
May dalawa pang event finals na sasalihan si Carlos sa Linggo, habang si Eldrew ay sasabak pa sa isa pang apparatus final.










