Malaki ang posibilidad ng medal revenge ng Pilipinas sa 2024 Paris Olympics sa pamamagitan ni Filipino gymnast Carlos Yulo matapos nitong maibulsa ang unang gold medal ng bansa sa men’s floor exercise.

Si Yulo ang ikalawang Olympic champion ng Pilipinas sa kasaysayan kasunod ng weightlifter na si Hidilyn Diaz, ang tumapos sa pagkauhaw ng bansa sa gintong medalya sa Olympics.

Ayon kay Bogie Caoili, Bombo International News Correspondent sa Paris, France, naka-focus ngayon ang atensyon ng buong mundo kay Yulo dahil may pag-asa itong manalo ng multiple medals.

Maaari pa rin siyang magdagdag ang bansa ng isa pang medalya sa finals ng men’s vault na aarangkada ngayong Linggo, alas-10:24 ng gabi (oras sa Maynila).

Kasabay ng ipinamalas na galing ng Filipinong atleta sa pamamagitan ng pagkakasungkit ni Yulo ng gintong medalya sa Olympics, sinabi ni Agcaoili na dapat ay hindi matapos ang suporta sa mga ito.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, lalo pa sanang dapat magkaisa ang pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga atleta, kabilang ang sapat na imprastraktura at tulong pinansiyal.