Sinang-ayunan ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang pagbasura ng Korte Suprema sa mga petisyon na kumukuwestiyon sa voting threshold sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Carpio, mas tamang kuwestiyunin ang usapin matapos ang aktuwal na botohan sa conviction o acquittal.

Aniya, wala pang konkretong isyu sa ngayon dahil hindi pa alam kung aabot sa 16 na boto ang conviction.

Ipinaliwanag din ni Carpio na maaaring magkaroon ng legal na usapin kung mas mababa sa 16 ang boto, at doon maaaring pagpasiyahan ng Korte Suprema ang naturang isyu.

Nauna nang ibinasura ng SC ang mga petisyon dahil, bukod sa iba pang procedural grounds, sa kawalan umano ng legal standing at pagiging premature ng mga ito.

-- ADVERTISEMENT --