TUGUEGARAO CITY-Nagbigti ang isang carwash boy gamit ang nylon chord sa likod ng kanilang boarding house sa Barangay Caggay, Tuguegarao City, kahapon.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang biktima na si Christopher Ulita , 33-anyos, residente ng Brgy Caritan Sur ngunit kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Caggay kasama ang kanyang live -in partner na si Noralyn Cabaro nang dumating sa kanilang boarding house.

Alas tres ng madaling araw nitong Agosto 15, 2020 lumabas ang biktima at sinasabi sa kanyang live-in partner na nagsasawa na itong mabuhay habang papalabas sa kanilang kwarto.

Bigo namang sundan ni Cabaro ang kanyang live-in partner kung kayat laking gulat na lamang nito nang makitang nakabitin na sa likod ng kanilang boarding ang kanyang kinakasama, kinabukasan.

Agad nagtawag ng tulong ang live in partner ng biktima at sinubukan pang dalhin sa pagamutan ngunit idineklarang patay ng mga duktor.

-- ADVERTISEMENT --