Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ceremonial nationwide pay out sa para sa mga benepisyaryong senior citizen sa ilalim ng Expanded Centenarians Act of 2024.

Sa ilalim ng batas, ₱10,000 ang matatanggap ng senior citizens na nasa edad 80, 85, 90, at 95, habang ₱100,000 cash gift para sa centenarians o umabot ng edad 100.

Sa Palasyo, 14 ang nabigyan ng cash gift, tig-tatlo rito ang 80 at 85 years old, lima nasa 90 yrs old, at tatlo ang 100 yrs old.

Sa kabuuan, nasa 1,097 na seniors ang nakatanggap ng cash gift sa buong bansa na ginawa sa 15 rehiyon.

Ayon kay Pangulong Marcos, huwag kalimutan ang mga nakatatanda sa gitna ng mabilis na pagbabago dahil sa teknolohiya at patuloy silang ipagmalaki dahil sa kanilang kontribusyon sa lipunan.

-- ADVERTISEMENT --

Umaasa din ang pangulo na dahil sa mga tulong na ito para sa mga nakatatanda ay mas hahaba pa ang panahon na kanilang mailalaan kasama ang mga mahal sa buhay.