TUGUEGARAO CITY-Tiniyak ni Cagayan Provincial Administrator Rodolfo Alvarado na mananatili sa kanilang trabaho ang mga casual at job orders.

Tugon ito ni Alvarado sa mga pangamba ng mga nasabing empleado na hindi na sila magtatrabaho sa pamahalaang panlalawigan matapos na magpaso ang kanilang kontrata nitong buwan ng Hunyo.

Ayon kay Alvarado,sinabi sa kanya ni Governor Manuel Mamba na mananatili ang mga casual at job order sa kanilang trabaho hangga’t kaya pa ng pondo ng pamahalaang panlalawigan para sa kanilang sahod.

Kasabay nito, nanawagan siya sa mga nasabing empleado na magtrabaho ng maayos kapalit ng kanilang pananatili sa serbisyo.

Kaugnay nito,tiniyak ni Ray Ramirez na may pondo pa para sa sahod ng mga nasabing empleado.

-- ADVERTISEMENT --