TUGUEGARAO CITY-Hinikayat ng grupong Cagayan Valley Bamboo Industry development Cluster ang publiko na makiisa sa pagtatanim ng kawayan kasabay ng World Bamboo Day.
Ayon kay Dr.Samuel Garcia, Chairman ng Cagayan Valley Bamboo Industry development, malaki ang maitutulong at halaga ng kawayan sa lipunan tulad ng pagpigil sa land erosion, climate change mitigation at marami pang iba.
Aniya, kailangan palaguin at palawakin ang mga panananim na kawayan dahil makakatulong din ito sa kabuhayan ng magsasaka.
Kaugnay nito, nagpasalamat si Garcia sa iba’t-ibang Local Government Units (LGUs) sa probinsya ng cagayan tulad ng Baggai, Claveria, Buguey at dito sa lungsod ng Tuguegarao ang kanilang pakikiisa sa pagtatanim ng kawayan.
Nabatid na ito na ang ika-11 world bamboo celebration kung saan tuloy-tuloy na ang kanilang mga isinagawang aktibidad para masuportahan ang kabuhayan ng publiko at kalinisan ng kapaligiran.