Nanumpa si Juanito Victor “Jonvic” Remulla bilang bagong kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong umaga.

Isinagawa ang panunumpa sa palasyo ng Malacañan matapos na kumpirmahin ni Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez na napili ni Marcos ang gobernador ng Cavite na papalit kay Benjamin Abalos Jr.

Naghain ng kandidatura si Abalos sa pagka-senador, kaya otomatiko na resigned na siya sa kanyang puwesto bilang presidential appointee.

Si Jonvic Remulla ay halos tatlong dekada na rin sa pulitika, kung saan nagsimula ang kanyang political career bilang board member ng ikalawang distrito ng Cavite.

Siya ay nahalal na vice governor noong 1998 at nagsilbi ng tatlong termino.

-- ADVERTISEMENT --

Naging gobernador naman siya ng Cavite nang manalo siya sa halalan noong 2019.