Nilampaso ng CAVRAA Football Elementary girls ang football team ng Region 4b o MIMAROPA sa unang araw ng Palarong Pambansa.

Natapos ang laro sa score na 10-0.

Tinalo din ng tennis elementary girls ng CAVRAA ang team ng Region 11 sa score na 8-1.

Kaugnay nito, sinabi ni Ferdinand Narciso, sports officer ng Department of Education na hinihintay pa ang resulta ng kasalukuyang laro ngayong araw na ito na may potensiyal na makakuha ng medalya ang Region 2.

Kasalukuyan ngayon ang basketball at wushu habang mamayang hapon naman ay ang elemination round ng arnis.

-- ADVERTISEMENT --

Nakatakda rin ang laro ng mga atleta ng rehion sa sepaktakraw at atheltics.

Samantala, sinabi ni Narciso na nagkampeon ang Region 2 sa larong patintero at bronze medal sa Laro ng Lahi kahapon ng mga DepEd officials mula sa 17 rehion.

Sa ibang banda, sinabi ni Narciso na magaling na ang 30 na mga atleta ng Region 2 na nakaranas ng sore throat, 9 na nakaranas ng pagdudumi, kabilang ang 5 officials.