Iginiit ni Senate President Alan Peter Cayetano na iligal ang paghirang kay Sen. Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at acting Senate President matapos makabuo ng quorum ang 12 senador sa sesyon noong Miyerkules.

Ayon kay Cayetano, kailangan ng 13 boto upang makapaghirang ng mga opisyal ng Senado at iginiit niyang nananatili siyang lehitimong Senate President.

Sinabi rin niya na hindi mapipigilan ng pagbabago sa liderato ang nakatakdang pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa flood control controversy sa Hunyo 4.

Para naman kay Sen. Erwin Tulfo, nananatili pa ring Senate President si Cayetano kahit nahalal si Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore.

Samantala, itinanggi ng mga senador ng minorya ang paratang na nais nilang pigilan ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee at iginiit na wala silang hinahadlang na anumang proseso ng Senado.

-- ADVERTISEMENT --