Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga Pilipino na magkaisa at manatiling may pag-asa ngayong Kapaskuhan.

Sa Christmas message ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera bilang CBCP President, iginiit niya ang kahalagahan ng pananampalataya sa panahong umiiral ang pagkakahati-hati at kawalan ng kasiguraduhan.

Ito ay sa gitna ng mga pagsubok na kinakaharap ng bansa, kabilang ang talamak na korapsiyon at alitan sa pulitika.

Ayon sa arsobispo, maraming Pilipino ang may dalang pag-asa, ngunit mahalaga pa ring pagnilayan ang tunay na diwa ng Pasko.

Aniya, mainam na humugot ng lakas sa Mabuting Balita upang magkaisa ang bawat Pilipino, at paalala na ang Pasko ay panahon ng pagtanggap sa presensiya ng Diyos sa mundo.

-- ADVERTISEMENT --

Hinikayat din ng CBCP President ang publiko na huwag lamang ipagdasal ang sarili kundi ipanalangin din ang kapayapaan at pagkakaisa ng bansa.