
Pag-aaralan ni Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian ang proposal na maglagay ng mga CCTV sa loob ng mga classroom. Ito ay bilang tugon sa mga insidente ng bullying at karahasan na nangyayari sa mga silid-aralan.
Ayon kay Gatchalian, nauunawaan niyang mahirap para sa mga guro na bantayan ang lahat ng mga mag-aaral sa buong oras, kaya’t isang magandang hakbang ang pagkakaroon ng CCTV sa mga classroom.
Kasama sa pag-aaral ang posibilidad ng paglalaan ng pondo mula sa Kongreso para sa proyektong ito, dahil maaaring makatulong ang mga CCTV sa pagpigil ng mga insidente ng bullying.
Samantala, may ilang paaralan naman na may CCTV sa mga classroom, ngunit ito ay limitado lamang at nakadepende sa mga lokal na pamahalaan (LGU).