
Isinailalim sa state of calamity ang Cebu City matapos ang pagguho ng landfill sa Barangay Binaliw na ikinasawi na ng 12 katao.
Inaprubahan ng Cebu City Council ang resolusyon nitong Martes upang tugunan ang epekto ng sakuna, kabilang ang pagkaantala ng koleksyon ng basura sa lungsod.
Maglalaan ang pamahalaang lungsod ng P30 milyon para sa waste management at upang palakasin ang search and rescue operations sa lugar ng landfill.
Bandang ala-1 ng hapon ngayong Martes, narekober ang mga labi ng isang babaeng biktima na nagdagdag sa bilang ng mga nasawi, habang patuloy pa rin ang paghahanap sa 24 na iba pang nawawala.










