
Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Cebu matapos tumama ang Bagyong Tino.
Inilabas ni Cebu Governor Pamela Baricuatro ang Executive Order No. 68 nitong Martes ng gabi, Nobyembre 5, na nagdedeklara na nasa ilalim na ng state of calamity ang Cebu dahil sa pananalasa ng Bagyong Tino.
Kabilang sa mga lugar na lubhang sinalanta ng Bagyong Tino ay ang Cebu City, Talisay City, Mandaue, Liloan , Danao, at Compostela.
Ayon kay Cebu City Mayor Nestor Archival Galos, 50% ng mga barangay sa lungsod ay apektado ng mga pagbaha kung saan nasa 200,000 kabahayan ang apektado ng baha.
As of 5:30 PM ngayong Miyerkules, Nobyembre 5, 82 na ang naitalang nasawi sa Cebu, batay sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Region VII – Central Visayas.
Kabilang sa mga namatay mula sa Cebu City ay ang apat na miyembro ng isang pamilya na natabunan ng landslide sa kanilang bahay sa Barangay Sapangdaku, isang taong gulang na bata na naanod ng baha sa Pardo, walong miyembro ng isang pamilya na inanod ng bahat sa Barangay Bacayan, at lima pang miyembro ng kanilang pamilya na missing.










