Patuloy na nangunguna ang mga atleta mula Region VII (Cental Visayas) at Region V (Bicol Region) sa nagpapatuloy na PRISAA Games 2025 na ginaganap sa Tuguegarao City, Cagayan.

Sa pinakabagong partial and unofficial medal tally, kapwa nangunguna ang dalawang rehiyon sa kani-kanilang dibisyon sa Senior at Youth.

Sa Senior Division, ang Central Visayas mayroon nang kabuuang 73 medalya na kinabibilangan ng 38 ginto, 18 pilak, at 17 tanso. Sinundan ito ng SOCCSARGEN at Cordillera Administrative Region

Samantala, sa Youth Division, walang kapantay ang Bicol Region matapos makakuha ng kabuuang 84 medalya na pinakamataas sa lahat ng rehiyon na mayroon nang 36 ginto, 27 pilak, at 21 tanso. Sumunod ang Western Visayas at Central Luzon.

Habang ang Region II naman ay mayroon nang kabuuang 15 medals sa 5 ginto, 1 pilak, at 9 tanso para sa senior division, at 25 medals na 7 ginto, 4 pilak, at 14 tanso sa junior division.

-- ADVERTISEMENT --

Sa araw ng Biyernes April 11 magtatapos ang PRISAA Meet 2025 kung saan inaabangan na kung anong rehiyon ang mag-uuwi ng overall championship.