TUGUEGARAO CITY-Magsasagawa ng evaluation ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO)-Tuguegarao para sa search for most ecological barangay sa lungsod.
Ayon kay Atty. Noel Mora, head ng Cenro-Tuguegarao, gagawin ang evaluation sa huling kwarter ng taon para sa urban at rural category.
Layon ng naturang kompetisyon na mapanatili ang kalinisan sa mga barangay sa lungsod.
Aniya, magiging batayan sa naturang evaluation ang kalinisan at kung paano pinaganda ng mga residente at opisyales ang kanilang barangay.
Kaugnay nito, inabisuhan na ng CENRO ang lahat ng mga punong barangay para makapaghanda bago ang gagawing evaluation.
Posible namang isasabay ang awarding sa mapipiling most ecological barangay sa selebrasyon ng city hood ng Tuguegarao sa buwan ng Disyembre.