Pormal nang nagsimula kahapon, ang pag iikot sa buong Lambak Cagayan ng humigit kumulang 3,200 na tauhan ng PSA region 2 para sa Census of Population (PopCen) at Community-Based Monitoring System (CBMS) ngayong taon.
Mula sa bilang na 3,203 na empleyado o tauhang ipinakalat para sa naturang aktibidad, 2,745 ay enumerator, 122 dito ay census area supervisor habang ang iba naman ay team supervisor
Tiwala si girmie Bayucan, chief statistical specialist ng PSA region 2 na magagawa ng lahat ng ito ang dalawang sabay na aktibidad sa tulong ng information communications technology.
Matatandaan na nais ni Pangulong Marcos, Jr. na sa katapusan ngayong 2024 maisusumite sa kanya ang resulta ng CBMS para magsilbing basehan upang malaman ang mga tatanggap ng social services mula sa pamahalaan. Sa darating na Enero 2025 naman target ng PSA na isumite ang resulta ng Census of Population.
Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa mga katuwang sa aktibidad kung saan kabilang ang DILG, DSWD, DICT, NEDA at mga kasamang ahensiya sa Regional Statistical Committee.
Samantala, umaasa ang pamunuan ng psa region 2 na ibibigay ng mga mamamayan ang tamang impormasyon sa mga enumerators ng ahensya.
Magtatagal ng 50 araw ang census na magtatapos sa September 15, 2024.