TUGUEGARAO CITY- Suspindido ang census on population and housing sa walong bayan sa Nueva Vizcaya.

Sinabi ni Marilyn Estrada, director ng Philippine Statistics Authority Redgion 2 na hiniling ng Municipal Census Coordinating Board na wala munang isasagawang census dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng virus sa mga bayan ng Solano, Bayombong, Villa Verde, Santa Fe, Aritao, Dupax Del Sur at Norte at Bagabag.

Samantala, pansamantalang isinara ang tanggapan ng Philippine Statistics Authority sa Nueva Vizcaya simula ngayong araw at muling magbubukas sa sa September 15.

Sinabi ni Estrada na ito ay matapos na isang staff ng PSA doon ang nagpositibo sa covid-19.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, isinailalim na rin sa swab test ang anim na staff at naka-home qurantine naman ang 14 na associates ng tanggapan.

Sinabi niya na agad na nagpakonsulta at hindi na muna pumasok ang nasabing staff matapos na magkaroon ng sintomas ang kanyang asawa.

Huling pumasok ang nasabing empleado noong August 27.