Ipinagkaloob ng pamahalaang panlungsod ng Tuguegarao ang centenarian gift na umaabot ng P100,000 kay Regina Taperu bilang cash incentive.
Tinanggap ni Taperu ang pera kasama ang ilan sa kanyang mga apo kung saan labis ang kanilang pasasalamat sa natanggap na insentibo.
Sa naging panayam kay Taperu, labis ang kanyang pasasamat sa natanggap na insentibo kung saan malaking tulong ito para sa kanyang pang araw-araw na pangangailangan.
Samantala, ibinahagi naman ni Taperu ang kanyang sikreto kung paano niya naabot ang 100 taong gulang.
Aniya,dapat ugaliing kumain ng gulay tulad ng malunggay, talong at iba pa para laging malakas.
Si Taperu ay ipinanganak noong september 26, 1919 kung saan eksaktong 100 siya nitong nakaraang setyembre 26, 2019.
Dahil na rin sa kanyang katandaan ay mahina na rin ang kanyang pandinig maging ang kanyang mga tuhod kung kaya’t kailangan nito ng aalalay sakanya sa tuwing siya ay tatayo.
bukod sa P100,000 ay nakatanggap pa ng P10,00 si Taperu LGU Tuguegarao.