Humingi ng paumanhin si CrowdStrike CEO George Kurtz dahil sa global tech failure na nakaapekto sa iba’t ibang industriya sa buong mundo.

Sa isang pahayag, sinabi ni Kurtz na batid nito ang epekto ng nangyari sa kanilang mga customers, travelers gayundin sa kanilang kumpanya.

Ang pag-crash ng mga computer system ay sanhi ng routine update ng kanilang cybersecurity software.

Layon ng pinakabagong bersyon ng kanilang Falcon Sensor software na gawing mas ligtas ang sistema laban sa hacking ang mga kliyente ng CrowdStrike.

Sa kabila nito, nagdulot ng tech outages ang maling code sa pag-update ng file.

-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak naman nito na unti unti nang naibabalik ang kanilang system.