Aabot sa kabuuang 749 na piraso ng mga ilegal na paputok na nagkakahalaga ng halos P23-K ang winasak sa isinagawang ceremonial disposal sa Cagayan Police Provincial Office.

Ito ay binubuo ng ibat ibang uri ng iligal na paputok at boga na nakumpiska at boluntaryong isinuko sa pulisya sa lalawigan.

Ang ceremonial na pagsira ay pinangunahan nina Deputy Provincial Director for Administration PltCol Ramil Alipio at Deputy Provincial Director for Operations PltCol Pepito Mendoza Jr.

Sa kanyang pahayag sinabi ni Alipio na ang pagsira sa mga nakumpiskang paputok at iba pang delikadong kagamitan ay bilang paalala sa mahigpit na paglaban ng pulisya sa iligal na distribusyon at paggamit ng mga paputok, lalo na ngayong nalalapit ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Layunin naman ng seremonya na tiyakin ang ligtas at tamang pagsira sa mga delikado at iligal na paputok at kagamitan upang maiwasan ang posibleng pinsala sa publiko.

-- ADVERTISEMENT --