Ipinasa na ng South Korea sa China ang APEC Summit chairmanship para sa sa susunod na taon.

Kasabay ng APEC turnover ceremony sa Gyeongju, South Korea, nakitang nilapitan at kinamayan ni Pangulong Bongbong Marcos si Chinese President Xi Jinping.

Wala pa namang ibinibigay na impormasyon ang Presidential Communications Office kung nagkaroon ng bilateral talks ang dalawang lider sa summit.

Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang nakatakdang pagpupulong sina Pangulong Marcos at Xi.

Samantala, sa Facebook post ni Pangulong Marcos, sinabi nitong nagpa-abot siya ng pagbati kay Xi para sa chaimanship ng China sa 2026.

-- ADVERTISEMENT --

Muli rin niyang tiniyak ang commitment ng ating bansa sa Philippine-Chinese relations at makabuluhang kooperasyon sa rehiyon.