Tuloy ang inaabangang charity boxing match ni PNP Chief Police General Nicolas Torre III bukas sa Rizal Memorial Coliseum.

Ayon kay PNP spokesperson PBGen. Jean Fajardo, tinanggap ni Gen. Torre ang hamon ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte hindi para sa personal na layunin, kundi para makatulong sa mga kababayan nating nasalanta ng mga nakaraang kalamidad.

Nakatakda ang charity boxing match, alas-9 ng umaga bukas.

Magkakaroon din ng exhibition matches mula sa PNP boxing team upang aliwin ang mga manonood habang hinihintay ang laban.

Sinabi pa ni Fajardo na maraming indibidwal at grupo ang nagpahayag ng suporta at nag-pledge ng cash at in-kind donations.

-- ADVERTISEMENT --

Ang lahat ng malilikom ay ituturn-over sa Department of Social Welfare and Development na siyang magtatakda kung saan ito higit na kailangan.