Inihayag ni Cesar Chavez ang kanyang irrevocable resignation bilang chief ng Presidential Communications Office (PCO)kanina lamang.
Sinabi ni Chavez na isinumite niya ang kanyang resignation kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong February 5, 2025.
Ayon sa kanya, sa kabila ng kanyang resignation ay patuloy pa rin siyang tutulong sa administrasyon ni Marcos.
Pinasalamatan ni Chavez si Marcos sa tiwala at kumpiyansa maging sa oportunidad na ibinigay sa kanya na magsilbi sa kanyang administrasyon.
Ayon sa kanya, ang kanyang karanasan ay itinuturing niyang “honor of a lifetime.”
Sinabi niya na ang kanyang pinanghihinayangan, sa kanyang pagtaya, hindi niya nagawa ang inaasahan sa kanya.
Hindi tinukoy ni Chavez ang partikular na dahilan ng kanyang resignation sa puwesto.
Sa ngayon ay wala pang pahayag ang MalacaƱang kung sino ang papalit kay Chavez at magiging pinuno ng communications arm ng administrasyon.
Subalit, sinabi ni Chavez na ang dating mamamahayag na si Jay Ruiz ang itatalaga na bagong PCO head.
Matatandaan na itinalaga si Chavez bilang PCO acting secretary noong September 2024, kung saan pinalitan niya ang abogado at veteran journalist Cheloy Garafil, na pinamumunuan ngayon ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taiwan.
Nagsilbi rin si Chavez bilang Undersecretary for Railways ng Department of Transportation sa ilalim ng Marcos administration.