Hindi na itutuloy ni dating Ilocos Sur governor Chavit Singson ang kanyang pagtakbo bilang senador sa halalan sa buwan ng Mayo ngayong taon.

Sa kanyang talumpati sa kanyang mga taga-suporta sa Mall of Asia sa Pasay City, sinabi niya na matapos ang matagal na pag-iisip, nagdesisyon siya na huwag nang ituloy ang kanyang kandidatura dahil sa kanyang kalusugan.

Ayon sa kanya, hindi biro ang pangangampanya at ito ay makakaapekto sa kanyang kalusugan.

Sinabi niya, sa kabila ng pagpapagamot niya dahil sa pnuemonia, kailangan pa rin niyang magpahinga.

Kasabay nito, nangako si Singson, na nagsilbi rin bilang deputy national security adviser na sa kabila ng kanyang pag-atras sa kandidatura ay itutuloy pa rin niya ang pamamahagi ng electric vehicles sa transport groups.

-- ADVERTISEMENT --