Personal na inabot ni Commision on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera ang P15,000 na tulong pinansiyal sa mga mag-aaral na kabilang sa Indigenous People’s sa Nueva Vizcaya.
Nasa kabuuang 150 na estudyante na ang income ng mga magulang ay mas mababa sa P300,000 bawat taon at nag-aaral sa mga Unibersidad at kolehiyo sa lalawigan ang nabigyan ng tulong sa ilalim ng Tulong Dunong Program ng CHED.
Gagamitin ang naturang halaga sa pagbili ng kanilang pangangailangan sa pag-aaral gaya ng libro, pamasahe at iba pa.
Nabatid na nasa 58,322 na mag aaral sa lambak Cagayan ang benepisyaryo ng free higher education sa mga public universities gaya ng CSU sa Cagayan, ISU sa Isabela, BSU sa Batanes at NVSU sa Nueva Vizcaya.